Buong Mundo, Nakatutok Sa Inaabangang Resulta Ng Us Presidential Elections

11

UNITED STATES – Nakatutok ang mata ng buong mundo sa Amerika para sa inaabangang resulta ng US Presidential election.Ito ay sa pagitan nina Democratic Standard Bearer Hillary Clinton at Republican Presidential Candidate Donald Trump.Opisyal nang nagsara ang karamihan sa mga polling centers sa Estados Unidos maliban sa ilang lugar na pinalawig ang voting hours dahil sa ilang problema kagaya ng aberya sa mga electronic voting system na sanhi ng mahahabang pila sa mga presintoSamantala, sa latest partial and unofficial result:Lamang ngayon si trump na may 232 electoral votes habang nasa 209 electoral votes naman ang nakuha ni Clinton.

Facebook Comments