Buong Region 10, nasa threat level 3

Northern Mindanao – Nanatili paring nasa threat level 3 ang buong region 10 o Northern Mindanao.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office 10 Spokesperson Lemuel Gonda sa DXCC-RMN Cagayan De Oro.

Ayon kay Gonda na kabilang nito ang Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao Del Norte at Bukidnon.


Ipinaliwang ni Gonda na kung nasa level 3 ay malaki ang posibilidad ng pambobomba at terroristic attack.

Samantala, sinabi nito na kagabi lang ay dumating sa Camp Alagar ang mahigit isang daang mga pulis mula region 3 at region 4-a bilang dagdag pwersa sa kapulisan ng region 10.

Facebook Comments