Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag, nagpositibo sa COVID-19

70

Nagpositibo na rin sa COVID-19 si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Ito ay matapos na unang magpositibo sa virus noong Sabado si Bureau of Corrections Public Information Office Chief Gabriel Chaclag at dalawa pang tauhan ni Bantag.

Tulad ni Chaclag, si Bantag ay sumasailalim ngayon sa mandatory quarantine.

Pinapayuhan naman ang mga tauhan ng BuCor na nakasalamuha ni Bantag sa mga nakalipas na araw na makipag-ugnayan sa Directorate for Health Sevices (DHS) para sa assessment at swab testing.

Facebook Comments