Bureau of Immigration, nagbabala sa publiko kaugnay ng online modus na gumagamit ng pangalan ng government officials

101

Nagbabala ang Bureau of Immigration Commissioner sa publiko kaugnay ng online modus na gumagamit sa pangalan ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, maging siya ay hindi nakaligtas at nagamit ang kaniyang pangalan sa panghihingi ng pera sa abroad.

Nagpanggap aniya ang sindikato na may kaibigan siyang nangangailangan ng pera at hindi siya makapag-transact.


Tiniyak naman ni Morente na nakipag-ugnayan na siya sa cybercrime authorities para mahuli ang sindikato.

Facebook Comments