Bureau of Immigration, nagdagdag ng mga tauhan sa NAIA ngayong holiday season

Bureau of Immigration, nagdagdag na nang tauhan sa NAIA ngayong holiday season
Nagdagdag ang Bureau of Immigration (BI) ng mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Christmas holiday season.

Partikular na naka-deploy ngayon sa NAIA Immigration counters ang mga tauhan ng BI mula sa main office at iba pang satellite, extension at field offices sa Metro Manila

Nilinaw naman ng BI na ito ay pansamantala lamang lalo na’t hindi naman nila inaasahan na malaki ang volume ng mga pasaherong dadating sa bansa ngayong holiday season.


Ang hakbang ng BI ay kasunod ng pagbabago sa international travel restrictions na pinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung saan pinahihintulutan na ang visa-free entry ng balikbayans at ng kanilang mga dayuhang asawa at anak.

Facebook Comments