Bureau of Immigration, nakipag-ugnayan na sa airlines kaugnay sa pagpapalawig ng travel ban sa 10 mga bansa

Inabisuhan na ng Bureau of Immigration (BI) ang airline companies kaugnay ng extension ng travel restriction sa 10 mga bansa hanggang sa August 31.

Ito ay aIinsunod sa resolution ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) hinggil sa travel restrictions sa mga pasaherong magmumula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Ayon sa BI, inabisuhan na nila ang airlines na huwag magsasakay ng mga pasahero na magmumula sa mga naturang bansa.


Sa harap ng travel restrictions sa mga nabanggit na bansa, patuloy naman ang repatriation flights ng pamahalaan sa mga Pilipinong naipit sa travel ban.

Facebook Comments