Bureau of Immigration, tiniyak ang pagbibigay ng visa-free entry privileges sa mga turista sa ilalim ng Balikbayan Program

169

Inanunsyo na ng Bureau of Immigration (BI) ang ibibigay nilang visa-free entry privileges sa lahat ng mga turista sa ilalim ng Balikbayan Program epektibo sa December 7.

Partikular na makakakuha ng nasabing visa ang mga balikbayan na dating Filipino citizen, kanilang asawang dayuhan at mga anak.


Pinaalalahanan naman ng BI ang mga Pinoy na mag-a-avail ng balikbayan privilege na magprisinta sa immigration officer ng kanilang lumang Philippine Passport o kopya ng kanilang birth certificate.

Kailangan din ang kanilang mga marriage certificate at birth certificate ng kanilang mga anak.

Ayon pa sa BI, Mas maigi rin na sa iisang immigration counter sila pumila para mas mabilis ang pagverify ng kanilang mga dokumento.

Facebook Comments