Bureau of Internal Revenue, nag-sorry sa isang babaeng PWD matapos hindi papasukin dahil naka-shorts

Humingi ng paumanhin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa babaeng walang mga binti na hindi pinayagan ng guwardya na makapasok sa kanilang tanggapan sa Calbayog City noong nakaraang Linggo.

Nabatid na nag-viral sa social media si Nancy Torrelino Boroc, kung saan ikinuwento niya ang kaniyang karanasan sa naturang tanggapan ng BIR.

Saad niya, pinagbawalan daw siya ng guwardya na pumasok sa tanggapan dahil naka-shorts lang siya at hindi raw ikinunsidera ng naturang guwardya ang kaniyang kalagayan.


Sa isang pahayag, sinabi ng BIR na ang naturang kautusan tungkol sa “dress code” ay para sa mga kawani ng BIR sa naturang District Office at hindi para sa mga kliyente.

Tiniyak ng BIR na magiging sensitibo sila sa karapatan ng mga PWDS.

Facebook Comments