BURIAL ASSISTANCE PARA SA MGA RESIDENTE, BINIBIGYANG-PANSIN NG LGU MANGALDAN

Pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kanilang programa sa pagbibigay ng burial assistance bilang tugon sa pangangailangan ng mga naulilang pamilya.

Kamakailan, sampung pamilya mula sa iba’t ibang barangay kabilang ang Alitaya, Amansabina, Guilig, Lanas, Osiem, Poblacion, Salaan, at Gueguesangen ang nakatanggap ng tulong mula sa LGU.

Kabilang sa mga napagkalooban ng assistance ang dalawang lingkod bayan mula sa magkaibang barangay.

Sa pamamagitan ng Community Affairs Office (CAO), layon ng programa na maibsan ang gastusin ng mga mamamayang kapos sa panahon ng pagdadalamhati.

Hinimok naman ng LGU ang iba pang residente na nangangailangan ng tulong-pinansyal na magsumite ng death certificate, certificate of indigency, at photocopy ng valid ID upang maproseso ang kanilang aplikasyon.

Facebook Comments