Bus disinfection kada biyahe, ire-require na ng DOLE

Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang malagiang disinfection ng public buses kada biyahe para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, ang mga bus ay dapat mayroong maayos na ventilation o sirkulasyon ng hangin.

Dapat ding binubuksan ang mga bintana sa loob ng 15 segundo.


Importante ring isinasagawa ang paglilinis at disinfection sa loob ng bus kada biyahe.

Matatandaang naglabas ang DOLE ng guidelines sa ventilation para maprotektahan ang publiko, lalo na ang mga manggagawa mula sa COVID-19.

Facebook Comments