Bus sa Kashmir India, bumagsak sa bangin labing anim – patay

21

World – Nasa 16 na hindu pilgrims ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus sa national highway sa Kashmir, India.

Aabot naman sa 29 ang sugatan pa patuloy na ginagamot sa ospital.

Patungo sana ang mga ito sa Amarnath cave shrine para sa kanilang pilgrimage para sa buwan ng Hulyo at Agosto nang mangyari ang insidente.

Binigyan na ng tulong pinansyal ang mga pamilya ng mga biktima at sasagutin na ng kanilang pamahalaan ang pagpapagamot sa mga sugatan.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga pamilya ng mga namatay.

Sa ngayon, hindi pa matuloy kung ano ang dahilan ng pagkahulog ng bus.

Facebook Comments