Business Licensing Inspector sa Pasig City Hall arestado sa entrapment operation

Nahuli ng mga tauhan ng Pasig PNP ang isang lalaki sa kanilang ikinasang entrapment operation sa mismong gusali ng Business Permit Licensing Office, City Hall Bldg, sa Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Kinilala itong si Rannie Galang, 33 anyos, Business Licensing Inspector sa Pasig City Hall habang patuloy na pinaghahanap ang kasama nito na si Kevin Hancel Siat na empleyado rin sa City Hall.

Sila ay inireklamo ng pangongotong ng negosyanteng si Mary Rose Ruiz, 31 anyos, na naga-apply ng business permit pero sinabi raw ni Galang na hindi sya makakakuha ng permit dahil may babayaran pa ang kanyang business permit na si Luzviminda Gallardo.


Ngunit para daw matuloy ang negosyanteng makakuha ng business permit magbigay lang sya ng walong libong piso at buburahin nya ang dating rekord ng business partner nito.

Dahil dito inireklamo nya ito sa mayor’s office at sa pulis.

Ang naaresto ay nahaharap na ngayon sa kaso.

Facebook Comments