Business permit ng NLEX Corporation sa mga toll plaza na sakop ng Valenzuela, suspendido na

69

Sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang business permit ng NLEX Corporation sa mga toll plaza na sakop ng Valenzuela City.

Alinsunod ito sa Executive Order na nilagdaan ni Mayor REX Gatchalian bilang aksyon laban sa umano’y iba’t-ibang business permit violation na kinasasangkutan ng pamunuan ng North Luzon Expressway.

Pangunahin dito ang kabiguan ng NLEX Corporation na masolusyonan ang matinding pagkakabuhol buhol ng trapiko na idinudulot ng palpak na cashless toll collection nito.


Dahil dito ay hindi muna maaaring maningil ng toll fee ang mga toll gate na nasa Brgy. Karuhatan, Lawang Bato, Paso de Blas, at Ugong.

Magkakaroon ng toll holiday sa mga toll plaza na ito na nangangahulugang lahat ng boom barriers o gates ay bubuksan nang libre para sa mga dadaan sa NLEX.

Facebook Comments