BUSINESS PERMIT PARA SA LEHITIMONG NEGOSYO,IGINIIT SA MGA MANLALAKO SANALSIAN SUR TALIPAPA SA BAYAMBANG

Tinalakay ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mga kinakailangang business permit at iba pang dokumento para sa legal na operasyon ng mga vendor sa Nalsian Sur Talipapa.

Sa isinagawang pagpupulong, ipinaliwanag sa mga vendor ang proseso ng pagkuha ng permit at kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyon ng lokal na pamahalaan para sa maayos na pagpapatakbo ng negosyo.

Ayon sa tanggapan, layunin ng hakbang na matiyak na lehitimo at organisado ang operasyon ng mga nagtitinda sa talipapa habang pinapanatili ang kaayusan sa lugar.

Hinikayat din ang mga vendor na kumpletuhin ang kanilang mga requirement upang maiwasan ang anumang paglabag sa mga umiiral na ordinansa.
Bukod sa usapin ng permit, tinalakay rin ang ilang hakbang para sa mas maayos na sistema at operasyon sa loob ng pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments