Butcher sa Cabatuan Pinagbabaril ng Maraming Beses, Nakaligtas!

95

Cabatuan, Isabela – Nakaligtas ang isang mangangatay ng karne o butcher matapos barilin ng maraming beses sa Barangay Culing East, Cabatuan, March 14,2018.

Sa naging pahayag ni Acting Chief of Police Senior Inspector Prospero A. Agonoy ng PNP Cabatuan, nakilala ang biktima ng pamamaril na si Ryan Muyot Chavez,24 anyos, may asawa at residente ng Barangay Saranay, Cabatuan, samantala ang suspek ay si Joel Ubod Meman ng Barangay Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Sinabi pa ni Senior Inspector Agonoy na sa resulta ng imbestigasyon, napag-alaman na nakilamay ang biktima sa Calling East kasama ang kaibigan nito na nakilalang si Antonio Ordonez Cariaga, residente ng San Andres, Cabatuan.

Pauwi na sana sina Chavez at Cariaga mula sa isang lamayan at pasakay na sa kanilang motorsiklo nang bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang biktima ng maraming beses gamit ang isang kalibre ng baril na nasa di kalayuan. Natamaan ang kanang binti ni Chaves na di naman gaanong malala ang sugat nito o masasabing daplis lamang.

Sa karagdagang imbestigasyon ng PNP Cabatuan, napag-alaman na nagkaroon ng di pagkakaintindihan sina Chaves at Meman sa kanilang pag-lalaro ng poker o Lucky-9 sa lamayan.

Samantala nasa pag-iingat na ngayon ng PNP Cabatuan si Meman para sa karagdagang imbestigasyon lalo na sa baril na ginamit nito at disposisyon sa naturang pangyayari.

tags:Luzon,RMN News, DWKD 985 Cauayan, Prospero Agonoy

Facebook Comments