Buwanang sweldo para sa lahat ng bus driver, sagot sa pagresolba ng trapiko sa Metro Manila ayon kay MMDA General Manager Orbos

136

Manila, Philippines – Naniniwala si MMDA GM Tim Orbos na mareresolba lamang ang matinding trapiko sa Metro Manila at mawawala na rin ang mga abusadong mga bus driver kung magkakaroon ng monthly salary ang lahat ng mga bus driver.

Sa ginanap na Forum sa QC sinabi ni GM Orbos na dapat bigyan na ng sahod buwanan ang mga bus driver upang hindi na maghabol ng kanilang mga boundary.


Paliwanag ni Orbos kadalasan mga nangyayaring disgrasya sa lansangan ay dahil nagmamadali ang mga bus driver na makakuha agad na mga pasahero dahil hinahabol nila ang kanilang mga boundary sa kanilang pinapasukang kumpanya.

Bukod diyan kung bibiyan lang sana ng kapangyarihan ang MMDA na angkop sa Metro Manila kaya nilang lutasin ang problema sa trapiko.
DZXL558

Facebook Comments