BUY-BUST | 13 indibidwal, huli sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila

13

Manila, Philippines – Arestado ang labing tatlong indibiduwal sa magkahiwalay na buy-bust operation ng station drug enforcement team sa Malate, Maynila.

Isa sa mga nahuli ay ang 68-anyos na lola na nagtutulak para may pampakain sa anim niyang mga apo.

Aniya ay mas malakas daw kasi ang kita sa pagtutulak ng droga kaysa sa paglalabada, habang itinanggi naman ng ibang nahuli na sila ay nagtutulak ng iligal na droga.

Narekober sa kanila ang mahigit sa 20 sachet na hinihinalang shabu at inaalam pa kung nasa drug watchlist din ang mga nanuli.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments