BUY-BUST | 2 notoryus na tulak ng iligal na droga, arestado sa QC

Quezon City – Balik kulungan ang isang notoryus na tulak ng droga at ang kanyang dalawang kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Krus na Ligas, Quezon City.

Ayon kay Police Superintendent Giovanni Caliao ng QCPD station 7, nagsagawa muna ng ilang linggo surveillance ang kanyang mga tauhan laban kay Josie Dela Rosa na itinuturong source ng iligal na droga sa Cubao.

Nakabili sila ng 15,000 pesos halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek at nang arestuhin ay nasakote rin ang dalawang lalaki na nagsisilbing runner ni Josie na sina Lemuel Laquindanum at Leonard Marquez.


Nakuha sa kanilang ang nasa tatlong pakete ng hinihinalang shabu at isang maliit na sachet na tinatayang nasa 45, 500 pesos.

Itinanggi naman ni Josie na nagtutulak siya at sinabi nagbagong buhay na siya kung saan hindi rin runner ang dalawang lalaking naaresto.

Facebook Comments