BUY-BUST | 4, kalaboso matapos mahulihan ng higit P1-M halaga ng shabu sa Bacolod City

Bacolod City – Kalaboso ang apat katao matapos mahulihan ng higit sa isang milyong pisong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City.

Nakilala ng mga nadakip na sina Pastor Palo at Renante Sonalan kasama ang mga drug runner nila na sina Jesus Paurillo at Jesus Rodriguez.

Narekober ng pulisya sa nasabing operayon ang nasa 21 sachet ng shabu na may bigat na 95 gramo, P2,000 na marked money at digital weighing scale.


Nabatid na sina Palo at Sonalan ang ikinukunsiderang high-value target ng pulisya dahil konektado ang dalawa sa malaking grupo na siyang nagpapakalat ng iligal na droga sa Bacolod.

Facebook Comments