BUY-BUST | 5 kabilang ang 3 babae, arestado sa iligal na droga sa Maynila

24

Manila, Philippines -Arestado ang limang personalidad kabilang ang tatlong kababaihan matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD Station 7 malapit sa Railroad Track, Batangas Street, Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Cecill Magno 43-anyos, Maria Bayang Canillas 28-anyos, Aillen Maliwanag 34-anyos, Jonee Bantique 42-anyos at Rolando Teodoro Jr. 41-anyos residente ng No. 313 P. Herrera 2, Tondo, Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel, nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga pulis ng Station 7 ng MPD sa halagang dalawang daang piso at nang iaabot na ang mark money sa mga suspek ay agad na dinampot ng pulis ang adik kung saan nakumpiskahan ng anim na plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments