BUY-BUST | Construction worker na tulak ng iligal na droga kalaboso sa QC

27

Quezon City – Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya ang isang construction worker na nagbebenta ng iligal ng droga sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Rustan Serrano, 36-anyos na residente ng Barangay Pinyahan.

Ayon kay Police Inspector Ceferino Gatchalian, hepe ng SDEU ng QCPD Station-10, nakabili ang kanilang tauhan ng 500 pesos na halaga ng shabu sa suspek.

Dahil dito, agad nilang kinorner si Serrano saka nila ito inaresto kung saan nakumpiska pa nila ang dalawang pakete ng shabu na ide-deliver sana nito sa isa pang buyer.

Facebook Comments