BUY-BUST | Lima, arestado sa buy-bust operation sa Puerto Princesa City, Palawan

21

Palawan – Arestado ang limang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Old Buncag sa Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan.

Nakilala ang mga nadakip na sina Niño Consigna, Michaell Consigna, Crisanto Ergen, Jess Abante Espinili at Gimrex Bacquaio.

Ayon sa pulisya, si Ergen ang itinuturong nagdadala ng droga sa lugar kung saan naabutan pa itong may ibang katransaksyon sa cellphone.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong sachet ng shabu, improvised water pipe at P500 mula sa mga suspek.

Facebook Comments