BUY-BUST OPERATION | Apat na drug suspek kabilang ang dalawang buntis, kalaboso sa iligal na droga sa QC

291

Manila, Philippines – Arestado ang apat na drug suspek kabilang ang dalawang buntis sa ikinasang buy-bust operation sa Rosal Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Target sa operasyon si Michael Nakpil na nabilhan ng tatlongdaang pisong halaga ng shabu.

Naabutan sa loob ng bahay na gumagamit naman ng shabu sina Maricris na apat na buwang buntis, hipag na si Cindy Amida na dalawang buwang buntis at Reynaldo Codilla na dati nang nakulong dahil sa pagpatay.

Ayon kay Police Chief Inspector Sandie Caparroso, ang hepe ng SDEU QCPD Station 6 nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagtutulak ng magkakapatid na Nakpil.

Aminado ang mga suspek na nagbebenta ng shabu dahil sa hirap ng buhay habang hindi naman makatiis na iwasan ang bisyo ng dalawang babaeng buntis.

Facebook Comments