BUY-BUST OPERATION | Dating tinaguriang ninja cop, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang dating tinaguriang “ninja cop” matapos itong masakote ng mga pulis sa isang operasyon sa Toctocan Street, Barangay Masambong, Quezon City.

Target ng buy-bust operation si PO3 Wilbern Laba na dating nakatalaga sa regional personnel and human resource development division.

Taong 2015 nang magsimulang hindi na pumasok ang suspek sa trabaho hanggat sa matuklasan ang pagbebenta nito ng droga kaya at inilagay ito sa listahan ng high value target noong 2016.


Nabatid na kasama si PO3 laban sa grupong tinatawag na ninja cops o mga pulis na ibinebenta ang mga droga na nakukuha sa mga anti-drugs operation.

Nakuha sa nasabing pulis ang dalawang sachet ng shabu kung saan pinaghahanap na din ang iba pa nitong kasabwat.

Facebook Comments