BUY-BUST OPERATION | Isang hinihinalang tulak ng droga patay sa Sta. Cruz, Maynila

25

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga nang mauwi sa barilan ang buy-bust operation ng mga otoridad sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead on arrival sa Chinese General Hospital ang suspek na si Alexander Dimalanta alyas “Jojo” na nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nakuha sa crime scene ang baril na ginamit ng suspek sa engkwentro at P3,000 halaga ng umano ay shabu na nabili mula kay Dimalanta sa nasabing operasyon.

Facebook Comments