BUY-BUST OPERATION | Lalaking nagbebenta ng marijuana gamit ang social media, arestado sa QC

11

Manila, Philippines – Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang lalaki na nagbebenta ng marijuana sa pamamagitan ng facebook messenger sa Quezon City.

Sa ulat, nasakote ang suspek na si Joeni Briones matapos mapasok ng mga awtoridad ang kaniyang private chat group.

Nagawang makipagtransakyon ng mga pulis kay Briones sa pamamagitan ng account ng isang kliyente nitong menor de edad na una nang sumuko sa pulisya.

Nang magkasundo sa order sa halagang P1,000, ikinasa na ng Quezon City Police District (QCPD) station 8 ang operasyon at nadakip si Briones sa labas ng isang supermarket.

Nakuha kay Briones ang ginamit na buy-bust money at isang plastik na naglalaman ng marijuana pero todo tanggi pa din ito na sangkot siya sa kalakaran ng droga.

Facebook Comments