
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magsasaka na mananatili ang suporta ng pamahalaan sa kanilang pangangailangan.
Ayon kay Pangulong Marcos, alam ng gobyerno ang hirap at bigat ng trabaho ng mga magsasaka kaya naman sisiguruhin niyang hindi bababa ang buying price ng National Food Authority (NFA) sa presyo na ikalulugi nila kahit ano pa ang maging galaw ng presyo ng bigas sa merkado.
Batid din aniya ng gobyerno na ang pinaka-kinatatakutan ng mga magsasaka ay ang masyadong mababang presyo ng bigas.
Dagdag pa ng pangulo, patuloy rin ang pagpapaabot ng mga makinarya, ayuda, trainings, at iba pang tulong para sa pagpapagaan ng trabaho ng mga magsasaka.
Facebook Comments