C3-road 10 section ng NLEX harbor link, target tapusin sa march 2020

26

Kumpiyansa ang Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ang C3-road 10 section ng NLEX harbor link sa Marso ng susunod na taon.

Ayon kay Public Works Sec. Mark Villar, kakayanin nang buksan ang Dagat-Dagatan Exit sa January 15.


Aniya, tapos na ang 65% ng proyekto.

Nasa 30,000 sasakyan ang makikinabang dito.

Target namang tapusin ang NLEX-SLEX Connector sa ikalawang kwarter ng 2021.

Kapag natapos ito, magiging 20-minuto na lamang ang biyahe sa NLEX at SLEX mula sa kasalukuyang dalawang oras.

Facebook Comments

From Advertisers