C5 South Link, bubuksan na sa susunod na buwan

Photo Courtesy: MPTC

Bubuksan na susunod na buwan ang segment 3A ng C5 South Link Expressway ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, kapag nabuksan na ito ay makakadiretso na sa C5 ang mga galing sa Las Piñas at Parañaque City.

Sa ngayon isinasapinal pa ng DPWH kung magkano ang magiging toll para sa nasabing daan pero maaari aniyang umabot ng P20 hanggang P22.


Target na matapos ang proyekto sa 2020.

Facebook Comments