CAA, binihag ng NPA sa Surigao Del Sur

60

Butuan, Philippines – Hawak ngayon ng New People’s Army (NPA) ang isang miyembro ng CAFGU na si CAA Jeremias Estrada, nakatira sa Purok Lanzones, Brgy. San Agustin Norte, Tandag City, Surigao del Sur. Ito ang kinumperma ni Ka Sandara ng NPA.

Ayon kay Lt. Col. Randolph Roxas, Commander ng 36th IB Phil. Army, umuwi si CAA Estrada sa kanyang bahay at kahapon habang nagpapahinga ay bigla na lang pumasok ang apat na mga lalaki na armado ng mga baril na AK47 at dinukot si Estrada, dinala patungong Brgy. Pangi sa nasabing lungsod.

Sa interview ng RMN DXBC Butuan kay Ka Sandara ng NPA, sinabi nito na hindi nila binihag kundi inaresto lang nila si Estrada para imbestigahan at mapasagot sa kasong paniniktik sa kilusan.
DZXL558, Sasie Babar

Facebook Comments