CAAP Investigators at PNP AVSEGROUP, nagtutulungan na sa imbestigasyon ng pagbagsak sa La Union ng eroplano ng isang aviation school

45

Nagtutulungan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang PNP Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) sa imbestigasyon sa pagbagsak ng Tecnam P-2010 aircraft sa Barangay Urayong Bayan sa Bauang, La Union kahapon.

Sa nasabing trahedya, namatay ang 25-year old na student pilot ng First Aviation Academy (FAA) na nakabase sa Subic Bay International Airport sa Zambales.


Nabatid na nagsasagawa ng solo cross-country flight ang student pilot nang bumagsak ang eroplano.

Batay sa flight plan na isinumite ng aviation school, ang aircraft ay nanggaling ng Iba Airport sa Zambales, at ang ruta nito ay La Union Airport at Lingayen Airport, bago bumalik muli ng Iba Airport.

Kahapon agad na pinadala ng CAAP sa crash site ang mga imbestigador nito mula sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) para alamin ang naging dahilan ng aksidente.

Facebook Comments