CAAP, magpapatupad na ng mas mahigpit na seguridad sa mga paliparan simula bukas

Simula bukas, May 9, magpapatupad na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mas mahigpit na seguridad sa lahat ng paliparan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng CAAP.

Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para bumoto.

Kaugnay nito, lahat ng airport managers ay inaatasan na direktang magpatupad ng 24/7 na operations and direct communication lines para matiyak ang kaligtasan, seguridad at kaayusan ng mga pasahero.

Pinapayuhan din ng CAAP ang mga pasahero na agahan ang kanilang pagtungo sa mga paliparan.

Facebook Comments