CAAP, nagbabala sa mga pasahero ng eroplano sa pagdadala ng power banks kasunod ng mga nangyaring insidente sa ilang flights

Nakikipag-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa airlines para sa paghihigpit sa pagdadala ng mga itinuturing na dangerous dry goods ng mga pasahero ng eroplano.

Kabilang dito ang power banks na isang uri ng portable lithium-ion battery devices, kung saan mahigpit itong ipinagbabawal sa check-in baggage dahil sa maaari itong maging dahilan ng pagkasunog ng isang eroplano kapag nag-overheat.

Maaari naman itong i-hand-carry luggage, basta’t hindi lalagpas sa 160Watt hours.


Mahigpit naman ang paalala ng CAAP sa mga pasahero na sundin ang mga panuntunan sa air travel.

Ang hakbang ng CAAP ay kasunod ng pag-usok ng cabin ng Batik Airlines mula Johor Bahru, Malaysia patungong Bangkok, Thailand dahil sa power bank na dala ng pasahero.

Bunga nito, ipinagbabawala na rin ng South Korean airline ang pagdadala ng portable chargers sa mga bagahe na inilalagay sa overhead bins o cabin ng eroplano.

Facebook Comments