
Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na minimal damages lamang ang tinamo ng mga paliparan mula sa mga lugar sa Visayas na hinagupit ng Bagyong Tino.
Ayon sa CAAP, maraming airports sa Visayas at Mindanao ang nagtamo lamang ng minor structural impacts at walang major infrastructure damage at aviation-related incidents.
Kinumpirma ng CAAP na ang San Vicente Airport sa Palawan ay nakaranas lamang ng pagbaha sa Aircraft Rescue and Firefighting (ARFF) station.
Ang bubong naman ng Borongan Airport Terminal building sa Samar ay nagtamo lamang ng minor damage.
Habang sa Hilongos Airport, nabasag ang salamin na pinto at nasira ang kisame sa pre-departure area entrances at ang Guiuan Airport ay nagtamo ng minor gutter at roofing issue.
Nakikipag-ugnayan na ang CAAP sa mga lokal na pamahalaan para sa mas mabilis na pagkumpuni sa mga napinsalang paliparan.
Samantala, nagsimula na rin ang recovery flights ng local airlines para sa mga pasaherong naapektuhan sa pagkansela ng flights dahil sa bagyo.









