CAAP, tiniyak na susuporta sa DOTr kaugnay ng mga direktiba ni PBBM sa pag-improve sa aviation sector

44
Courtesy: Edison Sy | Flickr

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagsuporta nito sa mga programang pinasusulong ng Pangulong Bongbong Marcos kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Partikular na suportado ng CAAP ang mga ipatutupad na improvement ng Department of Transportation (DOTr) sa aviation sector.

Tinukoy ng CAAP ang paglalagay ng karagdagang mga pasilidad at ang pag-improve ng seguridad sa mga airport alinsunod sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).


Kabilang dito ang mga ilalagay na pasilidad sa ilang mga paliparan sa lalawigan para magamit ito sa night takeoff at landing ng mga eroplano.

Facebook Comments