Cabagnot, Ross ng Beermen, nais maglaro sa nat’l team sa 2019 Sea Games

Nais ngayon ng San Miguel Beermen (SMB) guard na si Alex Cabagnot na muling maglaro sa National team sa pagsabak sa 2019 Sea Games na gaganapin sa Pilipinas.

Ayon kay Cabagnot, kung bibigyan daw muli ng pagkakataon ay hindi siya magdadalawang isip na muling i-representa ang bansa sa International Basketball Competition (IBC).

Nagpahayag ang nasabing manlalaro ng interes makaraang sabihin ni POC President at kasalukuyang PBA Chairman na si Ricky Vargas na nais niyang makitang maglaro sa Sea Games ang Team Pilipinas na pawang mga PBA players.


Bukod kay Cabagnot, gusto din ni Fil-Am player na si Chris Ross na makasama sa National team kung papayag at eligible daw siyang maglaro dito.

Facebook Comments