Cabinet clustering, ipatutupad narin ng administrasyong Duterte

25

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 24 na bumubuo ng cabinet cluster para mapabilis ang trabaho at serbisyo ng mga kagawaran ng pamahalaan at makasabay sa mga programang isinusulong ng administrasyon.

Ang bubuuing mga cabinet clusters ay babase sa prinsipyo ng good governance at anti-corruption.

Para naman makasunod sa Build Build Build Program ng administrasyon at makabuo ng malalaki at maraming infrastructure projects ay binuo ni Pangulong Duterte ang isang infrastructure cluster na siya namang magmamando sa mga proyekto ng pamahalaan na pang imprastraktura.

Imbes kasi na magkaroon ng full cabinet meeting ay magkakaroon nalang ng cluster meeting si Pangulong Duterte para hindi na maabala ang iba pang Gabinete kung hindi naman kasama sa agenda ng pulong.

Ito rin ang ginawang istilo ng nakaraang administrasyon upang maging episyente ang pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments