Cabinet members, hiniling na magkaisa para igiit ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea

111

Nanawagan si Surigao del Sur Representative Robert Ace Barbers sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na tayuan ang posisyon ng bansa pagdating sa karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Kasabay nito ay pinuri ng kongresista ang demand at hamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Chinese Ambassador sa bansa na igalang at tuparin ang pahayag nito na aalis din ang mga barko ng China sa oras na umayos ang panahon.


Apela ni Barbers sa mga cabinet members, suportahan si Lorenzana sa laban nito sa pananatili ng mga barko ng China partikular sa Julian Felipe Reef.

Nanawagan din ang mambabatas sa publiko na magkaisa laban sa pambubully ng China mula sa social media at mga produkto ng nasabing bansa.

Panghuli ay humirit si Barbers kay Lorenzana na kumilos at hindi lang magsalita laban sa China.

Hiniling nito na magpadala na agad ng naval ships ang hukbong sandatahan sa West Philippine Sea upang ipakita ang presensya ng bansa at igiit ang soberenya at karapatan sa ating teritoryo.



Facebook Comments