Cafgu patay ng tambangan sa North Cotabato

Isa na namang cafgu ang namatay ng tambangan ng pinaniniwalaang kasapi ng New Peoples Army(NPA) sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ang nasawing cafgu na si Joel Batawan , residente ng Barangay Ganatan sa Arakan habang sugatan naman ang driver nito na agad dinala sa ospital.
Tinambangan si Banatan at ang kanyang driver sa sitio Valencia, Barangay Sto. Nino sa Arakan kahapon ng hapon.
Kamakalawa ay nagkabanatan din ang militar at NPA sa Barangay Balite sa bayan ng Magpet na nagdulot ng takot sa mga residente at kalapit lugar.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments