Cagayan de Oro at Mariveles, nananatiling ‘critical risk’ areas para sa COVID-19 ayon sa OCTA Research

28

Ikinokonsiderang ‘critical risk’ areas para sa COVID-19 infections ang Cagayan de Oro at Mariveles, Bataan.

Sa monitoring report ng OCTA Research Group, ang average daily new cases sa dalawang lugar ay tumaas kumpara noong nagdaang linggo.


Ang average daily new cases sa Cagayan de Oro ay tumaas ng 131 nitong July 19 hanggang 25.

Para sa Mariveles, ang average daily new cases ay tumaas ng 55.

Bukod dito, “very high” ang one-week growth rate ng cases sa Mandaue, Cagayan de Oro, Cebu City, at Lapu-Lapu.

Nasa “high” naman ang one-week growth rate ng infections sa National Capital Region (NCR), Valenzuela, Mariveles, at Manila.



Facebook Comments