Cainta Quarantine Center, binuksan na para sa COVID-19 PUIs

Inihayag ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na binuksan na nito ang bagong tayong Cainta Quarantine Center para sa mga residenteng isasailalim sa investigations o PUIs.

Sa kanyang Facebook page sinabi ni Mayor Nieto na ang Felix High School ang gagawing Quarantine Facility dahil malapit lamang ito sa Cainta Municipal Hospital.

Paliwanag ng alkalde ang naturang pasilidad ay pangangasiwaan Cainta Hospital Health Chief Dr. Edgardo Gonzaga kung saan ang mga hygiene kits ay ipamamahagi sa lahat ng mga frontliners at mga pasyente iku-confine sa naturang quarantine.


Dagdag pa ni Mayor Nieto mayroon ding WiFi connection, TV at webcams na itatayo sa bawat kwarto na magagamit sa kanilang gagawing video conferencing habang ginagamot ang pasyente para magkaroon ng minimal contact sa pasyente habang isinasagawa ang 24/7 monitoring.

Facebook Comments