CALABARZON Police Brig. Gen. Vicente Danao, napiling susunod na NCRPO Chief

387

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na si CALABARZON Police Brig. Gen. Vicente Danao ang napiling susunod na pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito’y matapos na ma-appoint bilang PNP Chief si Police Maj. Gen. Debold Sinas kapalit ng nagretirong si Police Gen. Camilo Cascolan.


Ayon kay Año, si Danao din naman ang napisil ni Sinas para pamunuan ang kaniyang iniwang puwesto.

Matatandaan na si Danao ang kasalukuyang Regional Director ng CALABARZON PNP at una na ring nagsilbing District Director ng Manila Police District.

Facebook Comments