Calbayog City Mayor at dalawang iba pa, patay sa pamamaril

Dead on the Spot ang alkalde ng Calbayog City Samar na si Mayor Ronaldo Aquino at dalawang iba pa habang sugatan ang isa pa matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong suspek sa Laboyao Bridge, Barangay Lonoy, Calbayog City.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Calbayog, alas-8:00 ng Lunes ng gabi sakay ng Toyota Hi-Ace Van ang mga biktima patungo sa hilagang direksyon ng Calbayog City nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan.

Gumanti ng putok ang mga biktima at nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok dahilan ng pagkasawi ng isa sa mga suspek.


Agad namang isinugod sa Camillus Hospital sa Calbayog ang isa sa sugatang biktima.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng on-site investigation ang mga pulis para matukoy ang motibo sa pananambang.

Nagpapatuloy na rin ang hot pursuit operation at naglagay na ng checkpoint para matukoy at maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments