Caloocan at Pasig, may ikakasang job fair ngayong araw!

Ikakasa ngayong araw ng Public Employment Service Office (PESO) Caloocan City ang kanilang ika-apat na Mega Job Fair.

Gaganapin ito sa Caloocan City Sports Complex sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City.

Magsisimula ang Mega Job Fair alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Kabilang sa mga bakanteng posisyon na maaring applayan ng ating mga  kababayan ang mga sumusunod: customer assistant, accounting assistant, bagger, stock clerk, carpenter, mason, foreman, delivery helper, call center agent, sales clerk, factory worker, production staff, encoder, promodiser at sales representative.

Samantala, handang-handa na rin ang PESO Pasig City sa kanilang 3rd Mega Job Fair na may temang “Be Employed Pasigueño” Trabaho, Negosyo, Kabuhayan.

Gaganapin ito sa Pasig City Sports Center at magsisimula bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay official radio partner ng dalawang nabanggit na Mega Job Fair.

Facebook Comments