Caloocan City PESO, handa nang lumagda ng MOA sa pagitan ng kanilang ahensya at ng DZXL Radyo Trabaho

35

Bumisita muli ang DZXL Radyo Trabaho team sa iba’t-ibang tanggapan ng PESO o Public Employment Services Office sa Metro Manila.

Malugod naman na tinanggap ni Caloocan City PESO manager Violeta “Beng” Gonzales ang DZXL RT team kung saan inilatag ng grupo ang mga programa sa DZXL Radyo Trabaho block – – – kabilang na dito ang Meet The Boss, Centro Serbisyo at Usapang Trabaho kasama na ang pagbibigay natin ng trabaho sa segment ng Job Openings.

 

Handa din ang tanggapan ni manager Gonzales na makipagtulungan sa programa ng DZXL na pagbibigay ng trababo.

 

Bukod dito, handa rin ang Caloocan PESO na makipagtie-up sa DZXL Radyo Trabaho sa pamamaigitan ng paglagda sa isang memoramdum of agreement para sa matatag at pangmatagalan na samahan ng ating istasyon at kanilang ahensya.

 

Samantala sa mga gusto na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

 

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT Hotline – 882 2370 o magpadala ng mesahe sa RT Textline 0967-372-9017…

 

Sa DZXL Radyo Trabaho, trabaho lang walang personalan.

Facebook Comments