
Pinangunahan ng mga opisyal at tauhan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Isinagawa ang programa sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio kung saan lahat ng tauhan ng bawat departamento ng Caloocan LGU ay nakibahagi sa aktibidad.
Dumalo naman sa program ang ilang kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kung saan naging panauhin pandangal si Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Omar Romero.
Sa pahayag ni Romero, igniit niya na dapat bigyang pagpapahalaga ang mga sakripisyong ginawa ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
Sinabi naman ni Mayor Along Malapitan na dapat ay magsama-sama at magtulungan ang bawat Pilipino upang tuluyang maging malaya sa suliranin na kasalukuyang kinahaharap ng bansa.
Wala naman naging problema ang pagsasagawa ng programa at iba pang aktibidad sa Monumento hanggang sa ito’y matapos kung saan sa monitoring ng Northern Police District (NPD) ay maayos at payapa ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa CAMANAVA area.