Calvin Abueva, nakasama na ang koponan sa loob ng PBA bubble sa Clark, Pampanga

48

Kinumpirma ngayon ni Phoenix Super LPG Fuel Masters Manager Paolo Bugia na nakapag-check-in na sa isang hotel sa loob ng Clark, Pampanga ang kanilang kontrobersyal na player na si Calvin Abueva.

Ito’y matapos ang pakikipag-usap ni Abueva kasama ni Phoenix Head Coach Topex Robinson kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial hinggil sa isyu ng natitirang requirements para muling makapaglaro sa PBA.

Nabatid na maaari nang makipag-practice si Calvin sa kaniyang koponan pero wala pa ring inilalabas na pahayag si Marcial kung na-lift na ba ang indefinite suspension nito.

Nilinaw naman ng Games and Amusement Board (GAB) na kinakailangan pa rin sumailalim ni Abueva sa conduct and ethical standards seminar para makakuha ng professional license kung saan maaari raw itong isagawa via Zoom.

Facebook Comments