Camarines Sur Representative Marissa Andaya, pumanaw na

622

Pumanaw na si Camarines Sur 1st District Representative Marissa Andaya.

Ito ay base sa mensahe ni Albay Rep. Joey Salceda sa mga reporter na nagco-cover sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Hindi naman nagbigay ng ibang detalye si Salceda sa pagpanaw ng kapwa Bicol solon.

Si Andaya ang humalili sa kanyang mister na si dating House Majority Leader Rolando Andaya Jr. bilang kongresista.

Ayon sa asawa ng yumaong kongresista, ang kanyang maybahay ay isang cancer warrior sa loob ng pitong taon.

Sinabi pa nito na bago pa man maging kongresista ay dati na itong public servant mula sa isang social welfare agency.

Nagsilbi pa ito sa mga kadistrito sa kasagsagan ng community quarantine at nitong June lamang ay napag-alaman na bumalik ulit ang sakit nitong cancer.




Facebook Comments