CamSur, nakatakdang bisitahin ng PRRD

Nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Camarines Sur na isa sa mga lugar na matinding nasalanta ng tropical depression Usman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bibisitahin ng Pangulo ang mga biktima ng bagyo sa Camarines Sur kung saan magbibigay ito ng tulong ang mga nasalanta.

Sabi naman ni Panelo, kontento sila sa naging paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa paghagupit ng bagyo.


Pero aminado itong may mga bagay na hindi nila makokontrol.

Facebook Comments