CANCELLED | Ilang flights ng Pal at Cebu Pacific patungong Japan, kanselado

Manila, Philippines – Kanselado ang ilang byahe ng Philippine Airlines at Cebu Pacific patungong Japan ngayong araw September 6.

Ito ay dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Jebi.

Sa abiso ng Cebu Pacific kanselado ang flight 5J 828 Manila Osaka at 5J 827 Osaka Manila


Habang sa PAL naman kanselado ang lahat ng byahe nila patungong Osaka Kansai Japan hanggang September 12

Sa kabuuan 55 flights ng PAL ang apekto dahil sa pananalasa ng bagyong Jebi na itinuturing na isa sa pinakamalakas at mabagsik na bagyo na tumama sa Japan sa nakalipas na 25 taon.

Kasunod nito pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag ugnayan sa mga nabanggit na airline companies para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments